'Wag Mong Isipin

H'wag mong isipin yon
Hindi ka no'n mahal
H'wag yang katangahan mo ang pinapairal

Alam mo nang niloloko ka n'ya
Pero nagbubulag-bulagan ka
Hindi mo ba napapansin
Nakekengkoy ka na

H'wag manghinayang don
May mas babagay pa
Igala-gala mo lang ang mga mata

At kung sa pag-ihip nitong hangin
Dama mo na ikaw ay napuwing
Probema mo't suliranin, aking aalisin

Tumingin ka sa iba at iyong makikita
Yung di ka iiwan, di na mag-iisa
Tumingin ka kung saan
Kikislap ang 'yong mga mata
At gugulong ka sa katatawa
Hahaha Masaya
Di ka na mangangamba
Hindi ka na magmumukhang tanga
At kung manhid ka kasi mahal mo pa s'ya
Naku, umayos ka
Marami pang iba

H'wag mong isipin yon
Hindi ka no'n mahal
H'wag yang katangahan mo ang pinapairal

Alam mo nang niloloko ka n'ya
Pero nagbubulag-bulagan ka
Hindi mo ba napapansin
Nakekengkoy ka na

H'wag manghinayang don
May mas babagay pa
Igala-gala mo lang ang mga mata

At kung sa pag-ihip nitong hangin
Dama mo na ikaw ay napuwing
Probema mo't suliranin, aking aalisin

Tumingin ka sa iba at iyong makikita
Yung di ka iiwan, di na mag-iisa
Tumingin ka kung saan
Kikislap ang 'yong mga mata
At gugulong ka sa katatawa
Hahaha Masaya
Di ka na mangangamba
Hindi ka na magmumukhang tanga
At kung manhid ka kasi mahal mo pa s'ya
Naku, umayos ka
Marami pang iba

Marami pang iba...


Aanhin

Kung wala naman kapayapaan
Kung wala naman katahimikan

Hanggat na andito ka’y mahirapang mamatay
Patuloy akong mabubuhay

Kahit magkaroon pa ng palasyo
Kahit dalhin ako sa paraiso
Kung ikaw naman sa akin ay mawawalay
Paligit ko’y wala ring kulay

Chorus

Aanhin ko ang ganda nitong mundo
Kung wala namang natagpuan na katulad mo
Kahit langit man ay di ko Makita
Mas nanaisin ko pa rin kung nasaan ka.

Ikaw ang katuparan ng pangarap
Ikaw ang kasagutang hinahanap
Pagkakasilang ko’y nag karoon din ng saysay
Maydahilan na ang paglalakbay.

Repeat chorus
Adlib
Repeat chorus

Kung nasaan ka ha..

Repeat Chorus again..

Alaws Arep

Laging laman ng tindahan
Naghihintay ng daraan
Maghihingi lang ng piso
Pambili ng sigarilyo

Maghahanap ng trabaho
Kahit ano papasukin ko
Di matanggap kahit waiter
Mukha raw akong holdaper

Alaws arep lagi sa araw araw
Dehins tuloy ako makapanligaw
Uuwi na lang ako sa amin
Magdadasal na lang ng ama namin

Mangungutang ng ulam
O diyos ko tuyo na naman
Isama nyo na ang yelo
Ng lumamig naman ang ulo ko

Busog na sa problema
Mayaman sa alala
Puno ng kalungkutan
Wala na bang katapusan

Alaws arep lagi sa araw araw
Dehins tuloy ako makapanligaw
Uuwi na lang ako sa amin
Magdadasal na lang ng ama namin

Alaws arep lagi sa araw araw
Dehins tuloy ako makapanligaw
Uuwi na lang ako sa amin
Magdadasal na lang ng ama namin

Anak ng Puta

Ibang klase putang ina may bata akong nakita
Umiiyak nagdaramdam wala daw syang magulang
Ng aking pagmasdan ako ay nahabag
Ang mga walang hiya sya palay pinalaglag

Bakit daw ganitong buhay ang sinapit nya
Bakit hindi nila hinayaang liwanag ay makita
Ang sabi ko’y wag mangamba at may langit ka pa
Dito sa aming mundo mas impyerno anak ng puta

Nagbebenta ng katawan hanap buhay bayan?
Sila’y mga bunga lamang ng kalibugan
Panay kama laging nais tapos mabubuntis
At ang kanyang anak parang kutong tinitiris

Ang anak minamahal hindi tinatapon
Kinakarga dinuduyan hindi sa garapon
Itong aking sinasabi sana ay madama
Nais nila’y katarungan mga anak ng puta

Asahan Mo

1st Verse:
Wag kang mag-alala sa kabiguan ay di ka nag-iisa
meron kang kapareho na maaari mong makapareha
Kaparehong mag-isip ginagawang laro ang pag-ibig
nandyan lang siya sa sulok o baka sa gilid-gilid

Chorus:
Alisin na ang lungkot at ‘wag na ‘wag nang magmukmok
oras na para ika’y lumigaya nasa isip lang ang takot
Huwag panghinaan ng loob eh ano kung ika’y mahuhulog
may sasalo sayo asahan mo

2nd Verse:
Huwag kang magpa-api sa pagkatalo ay pwede kang gumanti
bakit ka paaapekto di siya kawalan sayong sarili
Kabaligtaran mag-isip sa isang saglit ika’y pinagpalit
hayaan mo na siya sa ere o dyan sa tabi-tabi

Repeat Chorus

Repeat 1st Verse
Repeat Chorus 2x

 

Aso

Ako’y may alaga asong mataba
Buntot ay mahaba, makinis ang mukha
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Kaya kaming dalawa ay laging magkasama

Kung ako ay aalis, siya’y sumusunod
Sa aking pagbabalik pamawi ng pagod
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Hindi lang sya alaga, kaibigan ko pa

Kahit hayop ay dapat ring mahalin
Lalo’t maamo at masunurin
Sila’y alagaan at wag pababayaan
Tao at hayop may unawaan

Sa aking pag iisa aso ko ang kasama
Sa aking pagtulog, katabi ko sa kama
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Pag lalambing niya aking damang dama

Pag siya’y binabato, aking pinagtatanggol
Pag ako’y inaaway, kanyang tinatahol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Kaibigan tunay sa hirap at ginhawa

Kahit hayop at dapat ding mahalin
Lalo’t maamo at masunurin
Ngunit minsan ay di mo rin akalain
Ang pangyayari ay nagbabago rin

Kahol sya ng kahol, ang aso ko’y nauulol
Laking gulat ko pati ako ay hinabol
Mahal niya ako, mahal ko rin sya
Kaya ganon nalang ang aking pagtataka

Ako’y may alaga asong mataba
Bunto’t ay mahaba, makinis ang mukha
Kinagat niya ako, kinagat ko rin sya
Ang kawawa kong alaga, pulutan ko na

Ayoko Na Sa 'Yo


Limang oras na akong nag hihintay sa'yo
Ngunit wala man lang kahit anino mo
Pabango kong mumurahin ay naglaho na
Damit kong gusot gusot pinagpawisan pa

Pag ikaw ay kasabay wala man lang akbay
May masabi lang ako bakit inaaway
Syota mo ba ako pakiliwanag nga
At ako ay na papraning na sa iyo sinta

Koro:
Ayoko na sa iyo ang labu-labo mo
Ang buong akala ko'y mahal mo ko
Bakit ka ba ganyan dehins ko masakyan
Hindi ako gago ayoko na sa yo


Basta't sinabi mo taas kamay sa'yo
Pati barkada ko ay na itabla ko
Ako'y nasasaktan na sa atin relasyon
Para kang babae noong unang panahon

Repeat Chorus


Ayos Lang

Nais kong matulog ngunit di maka-tulog
Sa pag-iisip ang utak ko'y nabubugbog
Pahamak na pag-ibig to.. ako'y gulong-gulo
Tumatakbo ang oras ngunit gising pa rin ako...

Nais kong mag-sound trip ngunit brown out nga pala
Bwisit na ilaw to dumagdag pa sa problema
Kung hindi lang dahil sa kanya ngayon ay masaya
Minsan lamang akong ma-in love wala pang pag-asa...

Chorus:
Ayos lang kahit pa nasasaktan ang puso ko
Kung sino pang minamahal sya pa ang ayaw sayo
Totoong problema, nginiti na lang ako
Kung sino pang minamahal siya pa ang ayaw sayo...

Nais kong mag-beer house ngunit kulang ang pera
Kaya't nagkakape na lang, dagdag pa sa kaba
Tutal wala namang dapat akong ikatakot
Dahil darating din ang araw siya'y aking malilimot

Hindi man siya nakuha sa iba ay tyatyamba
Basta't ako'y bahala na malimot lang siya...

-first lyrics-
Nais kong matulog ngunit di maka-tulog
Sa pag-iisip ang utak ko'y nabubugbog
Pahamak na pag-ibig to.. ako'y gulong-gulo
Tumatakbo ang oras ngunit gising parin ako...

-chorus-
Ayos lang kahit pa nasasaktan ang puso ko
Kung sino pang minamahal sya pa ang ayaw sayo
Totoong problema, nginiti na lang ako
Kung sino pang minamahal siya pa ang ayaw sayo..

Bakit Ba?

[Intro]

Nag-aaliw sa usok at beer lang ang kasama
Mas okey pang laging gan'to, nalilimutan ka
Hindi ko malaman sa 'yo kung ano ang drama mo
Bakit lagi mo na lang sinasaktan ang puso ko?

Tandang-tanda ko pa noong tayo'y namamasyal
Napasulyap lang sa iba, bigla mo na 'kong sinampal
At sa kaseselos mo nga'y lalong minahal kita
Subalit nasaan ka na, sumama sa iba.

Chorus:
Bakit, bakit ba iniwan mong nag-iisa
Bakit, bakit ba, sa akin ba'y nagsawa na
Sinusunod naman kita kahit ano, kinakaya
Wala pa ring k'wenta, bakit ba?

Ano ba ang nakita mo at pinagpalit mo 'ko
Nakasisiguro ka ba ngayon sa bago mo
Sana ay mahalin ka n'ya at wag kang sasaktan
Kahit di na tayo, problema mo'y sabihin lang.

Pilit ka mang limutin ay naghihintay pa rin
Nagbabakasakali na muli kang dumating
Bakit ba kayhirap ng kalagayan ko ngayon
Kaya sa 'king sarili ay laging nagtatanong.



Balang Araw

Mukhang hindi mo na siya nalilimutan
Tila dala mo pa bunga ng kanyang paglisan
At makikita sa mata
Ang pagka-wala ng sigla

Mukhang pinipilit mo lang ang ngumiti
Na 'di naman nababakas sa 'yong labi
At di ko na napupuna
Ang binibitawan mong tawa

Hayaan mo na lang ang pagpatak ng luha
Tulad ng ulan na dulot sa 'tin ay baha
At balang araw ay makikita mo
Sa pagtila nito ay may pag-asa pa
Na naghihintay sa'yo

Mukhang nakakulong ka na sa ala-ala
Palayain mo't ibuhos ang nadarama
At pagkatapos ng lahat
Wala na sa dibdib mo ang bigat

Hayaan mo na lang ang pagpatak ng luha
Tulad ng ulan na dulot sa 'tin ay baha
At balang araw ay makikita mo
Sa pagtila nito ay may pag-asa pa
Na naghihintay sa'yo

Naghihintay sa'yo
Hayaan mo na lang (ang pagpatak ng luha)
Tulad ng ulan (na dulot sa 'tin ay baha)
At balang araw ay makikita mo
Sa pagtila nito ay may pag-asa pa
Na naghihintay sa 'yo
Naghihintay sa 'yo
Balang araw



Balewala

Anong silbi nitong mata
Kung di kita nakikita
Ang boses mong anong ganda
Na musika saking tenga
At ang pag ibig mong hinihintay ng damdamin
Bat di mo ipakita bakit di natin gawin


Buti ang unan niyayakap mo
Buti pa ang lipstik may halik sayo
Buti ka pa minamahal kita
Pero ako pero ako

Chorus:
Balewala sayo ho ho
Balewala sayo ho ho
Balewala sayo ho ho
Balewala sayo ho ho


Naaalala ko pa nga nong sabihin kong mahal kita
Bakit bigla kang natawa di naman ako nambobola
Pero ayos na rin at least nasabi ko sayo
Siguro ay masaya ka na kawawa naman ako


Buti ang unan niyayakap mo
Buti pa ang lipstik may halik sayo
Buti ka pa minamahal kita
pero ako pero ako

Repeat chorus:

Igagalang ko ang pasya ng yong damdamin
Kahit uso ang rape hinding hindi ka re reypin
Dadatain ko na lang na ako'y mahal mo rin
Kahit di mo pa ako pinapansin


Anong silbi nitong mata
Kung di kita nakikita
Ang boses mong anong ganda
Na musika saking tenga
At ang pag ibig mong hinihintay ng damdamin
Bat di mo ipakita bakit di natin gawin


Buti ang unan niyayakap mo
Buti pa ang lipstik may halik sayo
Buti ka pa minamahal kita
Pero ako pero ako

Repeat chorus:

Balewala sayo!!!

Basted

Basted ka na naman
Pang ilan na ba yan
Karakasang sinisisi
Na may kamalasan

Ang lagi mong tanong
Tao ba ako inay
Ng mag sabog ng kapangitan
Di ka namigay

Chorus

Habang nabubuhay ang tao ( 1 chorus)dito sa mundo (2nd Chorus) ano man ang anyo
Asahang mong may magmamahal sa iyo
Habang marunong kang umibig
Ay may kapalit
May maaakit kahit ika’y saksakan ng pangit

Hindi ka man guaping
Di ka naman bading
At sa taglay mong ka butihan
Meron ka ring dating

Tingin sa salamin
Iyong ma papansin
Mahirap ang maging tulad mo
Malapit sa tukso rin

Repeat Chorus

Baste ka na naman
Tuloy ang inuman
Sa lupit ng sinapet babaha ng iyakan
Wag mong ikahiya astig ang yung mukha
Kung tae nga ay may itsura eh ikaw pa kaya..
Repeat Chorus. 2x

Bidyoke

Malalim na itong gabi..
Dapat tayong magsindi

Meron naman kuryente
Tv nakabakante
Wala na rin masabi
Isalang muna pare

Buksan ang bidyoke


Malalim na itong gabi
Dapat maghapi-hapi


Tayo ng mgkantahan
My way na walang kamatayan
Ang Mic ay pag-agawan
Isalang muna na pare..

Buksan ang bidyoke



Malalim na itong gabi..
Dapat problema ay itabi
Sai ng kapit bahay
Kahit na maingay
Basta my tinatagay
Isalang mo na pare..

Biyaheng Impiyerno

Bakas sa aking isipan ang bisyong pinasukan
Hindi ko maliwanagan akoy nalalabuan
Mantia sa katauhan ligayang maiwasan
Habang tumatagal lalong sasabayan

Tulay
Nais mang bumaba tuloy-tuloy pa rin
Nais mang pigilan hayaan ng hanapin
Saan 'to patutungo daang bako-bako
Ayoko ng ganito biyaheng impiyerno

Chorus
Mama para dyan lang sa tabi
Dyan lang sa tabi ngunit bakit di ko masabi
Bakit di ko masabi na ako ay bababa
Ako ay bababa pag bumaba na ang aking tama

Repeat Chorus

Mula ng mag kaisip ay aking ini-isip
Kung ba't ang nangyayari di ko lubos maisip
Hindi ko malama kung ito ay panaginip
Gusingin nyo ako sino ang sasagip

Repeat Chorus

Mga laking kalye istambay sa gabi
Mga walang trabaho walang gawang mabuti
Siksikan na kami tuloy pa rin ang biyahe
Suko na ko dito bayad na 'ko pare

Chorus 3x

D'yan Sa Buhay Mo

Ang isang simpleng awitin
Kung iyong ulit-ulitin
Kahit di mo masakyan
Ito'y makakanta mo rin

Ang di mo makain-kain
Kung 'yun lang ang nakahain
Wala kang magagawa
Kailangan mong tanggapin

Tulad ko, na di mo gusto
Kung ako naman ang nagmamahal sa 'yo
Sino pa ang hahanapin
Ikaw lang ay lolokohin
At ako lang ang kasagutan

D'yan sa buhay mo na nag-iisa
At nalulumbay ay magpapasaya
D'yan sa buhay mo kailangan mo ako
Hindi ka iiwan, hindi masasaktan
D'yan sa buhay mo

Kahit sa pananamit
Kung saan ba ang gamit
'Di pwede ang proma mo
Isusuot mo ng pilit

At sa 'yong dinaraanan
Kung ika'y nagigipit
Kahit sobra ang sikip
Hindi ka na mag-iisip

Tulad ko, na di mo gusto
Kung ako naman ang nagmamahal sa 'yo
Sino pa ang hahanapin
Ikaw lang ay lolokohin
At ako lang ang kasagutan

D'yan sa buhay mo na nag-iisa
At nalulumbay ay magpapasaya
D'yan sa buhay mo kailangan mo ako
Hindi ka iiwan, hindi masasaktan
D'yan sa buhay mo

D'yan sa buhay mo na nag-iisa
At nalulumbay ay magpapasaya
D'yan sa buhay mo kailangan mo ako
Hindi ka iiwan, hindi masasaktan
D'yan sa buhay mo [2x]


Don Juan

Naghahari-harian ka dito sa mundo
Wala kang ginawa kundi ang mang-api ng tao
Mga alipores mo sunod-sunuran lang sa'yo
Sa kinang ng pera mo, marami kang na loloko, hoh

Laganap na ang krimen sa iyong kagagawan
Sa kayamanan mo kasalana'y napagtatakpan
Mga tao'y takot kaya nagbubulag-bulagan
Kahit may katungkulan, ikaw ang pinakikinggan

Koro:

Hindi ka dyos, tao ka lang
Pareho lamang, Don Juan
Hindi ka dyos, tao ka lang
Nasasaktan, Don Juan Han!

Wala ka bang damdamin sa mga kababayan natin
Ang lupa ng mahirap ay gusto mo pang sakupin
Mga daing nila, nililipad lamang ng hangin
Hindi ka na na-awa kahit man lang katiting. hoh

Sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno
Diyos ka ng kadiliman, Diyos ka ng mga demonyo
Nangingiti ka pa sa mga kahayupan mo
Wala kang kinakatakutan kahit na sino


Repeat Chorus

Repeat Chorus 2x

Gabay

Maririnig sa'yo
Sa pag dating mo sa mundo
Ang katahimikan malayo sa gulo
Sa inusenteng mga mata
Makikita pa kita
Wala ang kamunduhan
Walang pangangamba

[Bridge]

Humawak ka lamang sa aking kamay
Ng matuklasan ang ganda nitong buhay
Iingatan kasi pababayaan
Gabay mo ako sa iyong kapaligiran

[Chorus]

Kaluskos ng dahon
Huni ng mga ibon malayo sa dilim ng kahapon
Hampas ng mga alon
Kasiyahan sa nayon
Mga batang naglalaro lang maghapon
Simoy ng hangin, sari saring tanawin
Paligid na iyong tatahakin
Pagkat walang sawa kitang aarugain
Sa paraisong pinaglalagyan natin.

Madamara sa iyo upang mahubog ng husto
Ang kabutihan sa kapwa tao
At sa mura mong isipan dapat mong malaman
Na may dyos tayo na pasalamatan...

[Repeat Chorus]

[Bridge]



Gagawin Ko Lang Baclaran

Sa puso ko'y tumama, ang isang munting paghanga
Na sa tuwing ika'y makikita, parang baliw tuwang-tuwa
At 'di ko alintana, kahit pa anong pagsubok
Makamit ko lang ang tala, tatawirin kahit ilang bundok

At kahit na malayo man at lubak-lubak man ang daan
Palagi kitang pupuntahan, gagawin ko lang Baclaran

D'yan mo 'ko maasahan, d'yan mo 'ko mahahangaan
D'yan mo mararanasan ang tunay na pagmamahalan
Na 'di mo malilimutan sa iyong buong buhay
At kahit pa sa kamatayan ay nakahanda 'kong tumulay

At kahit na malayo man at lubak-lubak man ang daan
Palagi kitang pupuntahan, gagawin ko lang Baclaran yan

Gagawin ko lang malapit, 'di iisipin ang agwat
Gagawin ko ang lahat para malaman mong ako'y tapat
Pagkat wala na rin akong mahihiling sa'yo
Sa kagandahan ng anyo, s'ya ring ganda ng kalooban mo

At kahit na malayo man at lubak-lubak man ang daan
Palagi kitang pupuntahan gagawin ko lang Baclaran

D'yan mo 'ko maasahan, d'yan mo 'ko mahahangaan
D'yan mo mararanasan ang tunay na pagmamahalan
Na 'di mo malilimutan sa iyong buong buhay
At kahit pa sa kamatayan ay nakahanda 'kong tumulay

At kahit na malayo man at lubak-lubak man ang daan
Palagi kitang pupuntahan gagawin ko lang Baclaran


 

Galit

Minsa'y nagsasawa tayo
dahil sa pang aabuso
tibok ng puso'y bumabagal
nawawalan ng pagmamahal.. oh.. pagmamahal

Minsa'y naiinis na rin
sa babalang dapat sundin
nabibingi, nauutal
nawawalan ng pagmamahal.. oh.. pagmamahal

Galit ang syang pumapalit
sa damdamin nating gipit
galit ang syang pumapalit
sa damdamin nating gipit

Minsa'y napapagod tayo
tapusin na ang buhay na to
ginagawa tayong hangal
nawawalan ng pagmamahal.. oh.. pagmamahal

Galit ang syang pumapalit
sa damdamin nating gipit
galit ang syang pumapalit
sa damdamin nating gipit

Minsa'y napipilitan
Oo, pakitang tao lang
kaya, pilitin mang magtagal
wala na kong pagmamahal

wala na kong pagmamahal
wala na kong pagmamahal
wala na kong pagmamahal
wala na kong pagmamahal

wala na kong pagmamahal
wala na kong pagmamahal
wala na kong pagmamahal
wala na kong pagmamahal

Gawing Langit Ang Mundo

Hindi nila naririnig hinanaing sa barung-barong
Dahil palasyo nilay may matibay na bubong
Hindi nila naririnig mga kumakalam na tyan
Hindi tulad nila ng mesa nilang parang laging may handaan
Ikaw ba? Naririnig mo ba sila ikaw ba?

Chorus
Gawin langit ang mundo makakaya natin to
Sa simula ikaw at ako tapos sila
Hanggang maging lahat na tayo
Oh kay gandang masdan sa bawat taong
Nagugutom at nahihirapan meron kang
Matutulungan gawing langit ang mundo

Wala silang pakiramdam sa nangyayaring kaguluhan
Basta mabulsa lang nila ang kaban ng ating bayan
Wala silang pakiramdam magkaroon man ng digmaan
Kapangyarihan na nilang gawin tayong tao-tauhan
Ikaw ba? Nadarama mo ba ito ikaw ba?

(repeat Chorus)

Habang maaga pa kahit man lang
sa kapakanan ng iba ng mga bata’ng maglalakihan makikinabang sa ating maiiwanan na pagmamahalan

(repeat chorus)

Habang Ang Lahat

I. habang ang lahat ay nagsasaya
halos lampasan na ang ligaya,
narito ako tila walang gana
at di' makatawa

Ii. habang ang iba ay nakalimut na
dahil sa alak at indak ng musika,
narito ako parang nag-iisa
at inisip ka

Chorus:
malayo ang nararating
akong kausapin,
tango lang at iling

Iii. iba ang sinisigaw
kundi ikaw......
sana'y nandito ka.....
sana'y nandito ka....

Iv. habang ang gabi ay nagdiriwang
sa tuwa't sayang pinagsalohan
narito ako nagluluksa sa buwan,,
nagmumukmok na lang....

Repeat (chorus)
Repeat (i until until ii)

Halika Na

Chorus

Halika na halika na
wag patalo sa problema
Sa isipay lumaban ka
kapusin man ng hininga
Halika na halika na
Lasapin mo ang ginhawa
Lumipad ka’t makikita
sarili mong mundong Malaya ka
 
  

Nahihirapan sa mga nakaraan
Aking kaibigan tapos na yan
Ayusin mo ang bukas Sa maling dinaranas
Madali lamang gawin Simple lang ang lunas

Bridge

Mag tiwala ka sa akin
Isipan mo’y palayain
Tunawin ang suliranin
Ang bukas mo,y palawakin

Repeat Chorus


Repeat chorus 2x
 
Ngayong alam mo na
Bakit nandiyan ka pa
Aking kaibigan nasasakal ka ba
Imulat mo ang yong mata
Ihakbang ang mga paa
Ito na ang simula sa pani bago mong sigla

Repeat Bridge
 

Hardin

Nagpapatangay sa daan inuulan
Para masapawan lang ang kalungkutan
at nanghihiram ng tawa nagpapadala
Sa konting minuto na pinagkakasya

refrain:

Narating mo na rin ba ito?
Kung saan langit na sa iyo
Ang tintawag kong paraiso
Ang sarili kong mundo ang kalayaan ko

Chorus:

Sa munti kong hardin makikita ang nais gawin
Magtaka mamangha maglakbay sa diwa
Wag ka lamang matutulala
Sa munti kong hardin ay may panganib din
Wag mo nang tanungin kusa mong alamin
Sarili mo ang dapat mong sundin

Nagpaparaya sa sulok inaantok
Sa panaginip na kusang pumasok
At nang hihingi ng ngiti na nalalabi
Sa paglilibang sa biting sandali

(repeat refrain & chorus)



(repeat refrain & chorus)

Hiling


VERSE I:
Kahit ang araw mapundi man
Kung ang liliwanag ay ang bwan
Kahit masundot ang mata ko
Basta wag lang lalabo sayo
Kahit umulan pa ng yelo
Kung ikaw naman ang kumot ko
Kahit makagat ako ng aso
Basta wag mo lang saktan ako


CHORUS:

Tangi'ng hiling ko sa pasko
Wag na wag ka'ng magbabago
Kahit maluma ka
Ako'y iyo'ng iyo
At kung hihiling ka rin
Sa pasko'y wag nang paabutin
Kahit may gagawin
Ika'y uuna-hin


VERSE II:
Kahit matrapik tayo sa Edsa
Kung ikaw naman ang kasama
Kahit mawalan pa ng preno
Basta't wag lang na magbreak tayo

Kahit ano pa ang mangyari
Kung ikaw naman ang may sabi
Kahit maligaw sa pasyalan
Basta't wag mo lang ako'ng iwan


Repeat CHORUS:

Repeat CHORUS:


Repeat VERSE I:

Hindi Mo Ba Alam?

Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan
Sa tuwing ikaw ay aalis at hindi nag paalam
Nais kong malaman mo na ako'y nag tatampo
Pag nalimutan mo ang pasalubong ko

(same chords on 1st stanza)
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan
Pag nakikita kitang may ibang ka kwentuhan
Nais kong malaman mo na ako'y nandirito
Pwede ba ako kahit maki usyoso

Chorus
Ngunit pag sapit ng gabi heto ka sa 'king tabi
Sa pag ibig mo 'di ako nag sisisi
At pag gising sa umaga maamo mong
Mukha ang nakikita
Na sa akin ay lubos na nagpa-paligaya.


(same chords on 1st stanza)
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan
Sa tuwing ika'y na lulungkot at mata ay luhaan
Nais kong malaman mo yan ay pupunasan ko
Sa katapatan ng pagmamahal ko sa iyo.

Repeat Chorus

Solo Guitar

Repeat Chorus

Hindi mo ba alam?

Hiwaga

Mag isang naglalakad
Isipan ay lumilipad
Iba't ibang klase ng tao
Ang nasasalubong ko
At mag isang tumatawa
Sa kalokohang naaalala
At laging naka buntot
Ang hiwagang bumabalot

Chorus:

Kung sakaling makita mo
pwede bang tapikin mo ako
At kung sakaling matauhan
Pwede mo ba akong samahan
At pwede mong baguhin
Ang tinatakbo ng kwento
Ng buhay ko...


Magisang nangangarap
Nababalutan na ng ulap
Ibat ibang klase ng tao
Ang nasa paligid ko
At mag isang tinatanaw
Ang papalubog na araw

(repeat chorus x2)

Huling Halakhak

Habang tinititigan ka, lalong gumaganda
Akalain ko ba na ikaw ay aking makasama
Hulog ka ng langit sa akin
Dahil ako ang napisil mong mahalin

'Di ko lubos maisip hanggang ngayo'y nagtataka
Isang supladang prinsesa na aking napatawa
Mga kalaban ko'y umiiyak
'Pagkat di matanggap sa 'kin ka bumagsak

Paulit-ulit ma'ng isipin ng lahat
Wala sila sa 'king mga banat
Ikaw na rin ang makapagsasabi
Na 'di nila 'ko pwedeng iisan-tabi

Bumabalik tanaw sa akin ang nakaraan
Noong mabaliw-baliw na 'ko, masulyapan ka lang
Sa dami ng iyong tagahanga
Nagagawa ko na lang ay ang tumunganga

Minahal kita sa tiyempo at ng pagkakataon
Ligaw-tingin ko sa iyo ay isa na lang kahapon
Laging tawa na la't panghahamak
Ngayon sa 'kin pala ang huling halakhak

Paulit-ulit ma'ng isipin ng lahat
Wala sila sa 'king mga banat
Ikaw na rin ang makapagsasabi
Na 'di nila 'ko pwedeng iisan-tabi

'Di ko lubos maisip hanggang ngayo'y nagtataka
Isang supladang prinsesa na aking napatawa
Mga kalaban ko'y umiiyak
'Pagkat sa 'kin pala ang huling halakhak

Paulit-ulit ma'ng isipin ng lahat
Wala sila sa 'king mga banat
Ikaw na rin ang makapagsasabi
Na 'di nila 'ko pwedeng iisan-tabi

Paulit-ulit ma'ng isipin ng lahat
Wala sila sa 'king mga banat
Ikaw na rin ang makapagsasabi
Na 'di nila 'ko pwedeng iisan-tabi

Paulit-ulit ma'ng isipin ng lahat
Wala sila sa 'king mga banat
Ikaw na rin ang makapagsasabi
Na 'di nila 'ko pwedeng iisan-tabi
[repeat until fade]

Ikaw Ba Yan

Chorus:

Ikaw ba yan?
Muntik na di makilala
Marunong ka na rin
Pala ngayong tumawa
Tunay kaya itong
Aking nakikita
Mukhang natapos din
Ang 'yong pagdurusa
Dati rati pag kasama ka
Punong puno ng drama
Gusto mong magpakamatay
Inawat lang kita
Alam kong makakaya mo
Ang lahat kahit anong bigat
Mabubuhat

(repeat chorus)

Dati rati pag nagkwento ka
Bukambibig mo sya
Hindi mo matanggap
Kahit siraan ko na
Pero nadala rin ang tao
Kahit magpaka bobo
Matututo ugh!

Dati rati pagbinibiro
Napipikon ka na
Ngayong inaasar kita
Ngiti'y hanggang tenga
Ang nawala hindi man mabawi
Kahit kirot at hapdi
Mapapawi

(repeat chorus)

Bridge:
Ikaw ba yan?
Ikaw ba yan?
Ikaw ba yan?
Ikaw ba yan?

Coda:

Ikaw ba yan
di ko lubos maisip
Akala ko tuloy
Ako'y nananaginip

Ikaw lamang

Ala-una ng gabi
Di ako mapakali
Hinahanap ka ng puso ko, ng halik ko
Ng yakap kong para lang sa'yo

Iyakang maghapon
Nang ika'y magbakasyon
At ako'y iniwan mong nalulungkot
Nalulumbay sa kahihintay

Ngunit heto ako nagmamahal pa rin sa'yo
Malayo ka man, ikaw lamang
Saksi ang bituin, pati ang buwan
Kahit ang kalangitan
Ay nagsasabing ikaw lamang
Pero ang gumugulo sa isipan
Ang mangyaring di mo na ako balikan
Dahil ang sigaw ng puso ko
Ikaw lamang

Ilang buwan ang nagdaan
Wala nang sulatan
Ako ba'y nalimut na
Di malaman ang gagawin
Nasaan ka na

Ala-una ng gabi
Iba ang aking katabi
Ako'y nakukonsensya na
At di sana mangyayari
Kung nandito ka

Ngunit heto ako nagmamahal pa rin sa'yo
Malayo ka man, ikaw lamang
Saksi ang bituin, pati ang buwan
Kahit ang kalangitan
Ay nagsasabing ikaw lamang
Pero ang gumugulo sa isipan
Ang mangyaring di mo na ako balikan
Dahil ang sigaw ng puso ko
Ikaw lamang

Ngunit heto ako nagmamahal pa rin sa'yo
Malayo ka man, ikaw lamang
Saksi ang bituin, pati ang buwan
Kahit ang kalangitan
Ay nagsasabing ikaw lamang
Pero ang gumugulo sa isipan
Ang mangyaring di mo na ako balikan
Dahil ang sigaw ng puso ko
Ikaw lamang

Malayo ka man, ikaw lamang
Saksi ang bituin, pati ang buwan
Kahit ang kalangitan
Ay nagsasabing ikaw lamang
Pero ang gumugulo sa isipan
Ang mangyaring di mo na ako balikan
Dahil ang sigaw ng puso ko
Dahil ang sigaw ng puso ko
Dahil ang sigaw ng puso ko
Ikaw lamang
Ikaw lamang
Ikaw lamang
Ikaw lamang



Inday

Kahit ulam ko’y laging bagoong
Basta’t kasalo si inday ayos yun
Konteto nako sa aming buhay
Tulad ko syang sa hirap ay sanay

Araw araw nalulumbay
Pag di ko sya natatanaw
Gabi gabi di mapakali
Kung wala sya sa aking tabi

Alaws akong pangamba kay inday
Takot lang ako pag nandyan ang nanay
Di makaporma laging nakaalalay
Parang si Jaworski kung makabantay

Araw araw nalulumbay
Pag di ko sya natatanaw
Gabi gabi di mapakali
Kung wala sya sa aking tabi

Inday, Inday ng aking buhay
Kahit kailan sya ang aking
Inday, inday ng aking buhay
Mahal ko syang tunay

Sa aming date wala akong problema
Pwede siya kahit sa luneta
Sa kainan doon sa baclaran
Nagtyatyaga sa isang lugawan

Inihaw

Nakatikim ka na ba ng lupet na humahagupet 2x
Nabulabog ka na ba ng kulog?
Tinamaan ka na ba ng kidlat?
Nakatikim ka na ba ng lupet na humahagupet?
Nasapul ka na ba ng bato ng tirador sa ulo 2x

Nasabugan ka na ba ng bomba?
Naibala ka na ba sa kanyon?
Nasapul ka na ba ng bato ng tirador sa ulo?
Nakakita ka na ba ng bankay na muling nabuhay 2x

Nausukan ka na ba ng kapre?
Kinilabutan ka na ba sa multo?
Nakakita ka na ba ng bangkay na muling nabuhay?
Natangay ka na ba ng hangin na malakas ang dating 2x

Napuruhan ka na ba ng isa?
Nabilangan ka na ba ng sampu?
Natangay ka na ba ng hangin na
Malakas ang dating?
Humahagupet (3x)


Iniwan Mo Akong Nag-iisa

Nasaan ka na ngayon
Ako'y palingon-lingon
Di ko maintindihan
Kung bakit nagkagano'n
Iniwan mo akong nag-iisa

Wala akong matanaw
Kahit isang langaw
Wala akong makausap
At walang gumagalaw
Iniwan mo akong nag-iisa

Iniwan mo akong nag-iisa
Dahil lahat ay iyong sinama
Kamag-anak, kapitbahay
Kaibigan at kaaway
Bakit hindi ka man lang nagtira hah
At bakit ba iniwan mo akong nag-iisa

Aking naalala
Nung kasama pa kita
Kahit wala sila
Paligid ay ano'ng saya
Ito na ba ang tinatawag na karma

Ano ang nagawa at nandamay ka pa, sinta
Ba't di na rin dumadaan ang tindera ng kutsinta
Na-miss ko rin ang naniningil sa mga utang ko

Iniwan mo akong nag-iisa
Dahil lahat ay iyong sinama
Mga artista, mga pulitiko
Mga botante at kandidato
Bakit hindi ka man lang nagtira hah
At bakit ba iniwan mo akong nag-iisa

Sige na ibalik mo na sila
Kahit sino, kahit huwag ka na
Nang may makausap lang dito
At baka iwanan na rin ako ng malay ko

Iniwan mo akong nag-iisa
Dahil lahat ay iyong sinama
Pati sundalo, pati aktibista
Pati turista at terorista
Bakit hindi ka man lang nagtira hah
At bakit ba iniwan mo akong nag-iisa

Isla Puting Bato


Isang gabi nanaginip ako
Lumubog ang sinasakyan kong barko
Inanod ako sa lakas ng hangin
Hanggang sa napadpad ako sa buhangin
Akoy natuwa dahil akoy buhay
Nang may nakita akong
Babaing walang malay
Siyay nilapitan upang aking tulungan,
Nang siyay natauhan ay aking namasdan


O kay amo ng kanyang mukha
Sa ganda para siyang diwata
Kahit gan'to ang aking sinapit
Ngunit siya naman ay hulog ng langit

(chorus)
Sa isla puting bato
Naging sarili namin ang mundo
Walang naging hadlang doon
Kahit kami ay magpa gulong gulong


Lugar na tahimik ngayoy sumaya
Sa pag-iibigan naming dalawa
Nalunod ako sa kanyang mga halik
At sa yakap niya na anong higpit
Nawalay man sa mga mahal sa buhay
Di ko na naisipan pa ang malumbay
Magagandang tanawin at sariwang prutas
At ang kalayaan na dinaranas
Ngunit ang tunay na kailangan
Sa aking lubos na kaligayahan,
Ay ang tulad niya na aking pangarap
At sa piling niya na walang kasing sarapppp

(repeat chorus)

Nilimut namin ang aming problema
Paraiso na para sa'min ang isla
Takbo ng oras ay walang sinasayang
Naghahabulan at nagkakantahan
Hanggang sa sumapit ang bilog na buwan
Kami ay nagmistulang eba at adan
At nang titikman ko na ang kanyang mansanas,
Ako'y nabigla at napa-baligwas

Ako pala ay nagising
Sa panaginip ay nabitin
Panaginip na anong ganda
Sa pagtulog ko sana'y muli siyang makita

(...chorus 2x...)

Itigil Na Natin

Magpakita ng sobra
Hindi mo na makakaya
Pagkat may taong sobra ang talino
Ililigaw nila ang isapan mo
Marami mang kaibigan
Dapat lang pakisamahan
Magugulat ka na lang
Sa iyong harapan
Na meron ka palang kalaban

[Chorus]
Itigil na natin
Kung walang patutunguhan
Ayoko na ng plastikan
Kung meron ba tayong dapat balikan
Kailangan meron ding maiwan

Nasabi ko na ba sayo
Bilib ako sa tulad mo
Kung nasakyan mo man
O di mo alam
Pasenya ka na kaibigan

Ang pag mamahal mo sa kapwa
Kahit mag pakababa
Ikaw pa ang masama
Sa iyong ginagawa
Hindi na siguro ito tama

[repeat Chorus]

[repeat Chorus]

At iwasan

Ituloy Mo Lang


Noong bata ka pa si Darna ang ginagaya
Minsan nama'y nagbi-bistida
Maging sa laruan manika ang napag-tripan
Ayaw mo ng baril-barilan.


'Di ka nila sinasali
Hindi ka raw tunay na lalaki.

II
Gusto ng tatay mo na ika'y mag-sundalo
Pero babae ang puso mo
Kahit lunurin ka wala ring napala sila
Nung sabi mong ika'y sirena.


'Wag kang mag-alala
Matatanggap ka rin nila.

Chorus
At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka bang tinatapakan na tao,
Ituloy mo lang ito!
Ang mahalaga ikaw ay masaya
'Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba,
Sila ang may problema!



III
Walang pumapansin sa natatangi mong galing
Mas madalas ka pang laitin
Pinapakita mo na may silbi ka sa mundo
Ngunit walang rumirespeto.


Lagi na lang iisipin
Sila na lang ang unawain.

(Repeat Chorus)



(Repeat Refrain II)

(Repeat Chorus 2X)

Coda:
Silang lumalait, silang mahilig manakit
Silang 'di pupunta sa langit. (2X)

Kabilang Mundo

Dito lang tayo kung saan ang mundo
Ay di muna natin kasalo
Dito dito lang tayo ho ho
Kung saan ang gabi ay nababalot pa ng
Misteryo

Sa matahimik lang kita makakasama
Sa nakatagong sandali ng pagkakasala

Chorus
At dito lang tayo sa kabilang mundo
Mapayapa ligtas at may laya

Dito dito lang tayo
Kung saan ang lamig sa ating katawan
Ay nagtatalo
Dito dito lang tayo
Kung saan ang lahat ng katotohanan
May milagro

Repeat Chorus

Adib

Gustong gusto ko lang gawin ito
Gustong gusto ko lang gawin sa yo
Gustong gusto ko lang gawin ito
Gustong gusto mo rin naman ako...

Repeat Reprain
Repeat chorus



Kanto

Nakatambay sa may kanto,
Nagiisip ng kung anu-ano
At ang nagdaang, mga araw
Ay aking binabalik tanaw

Parang kulang ang umaga
Nasaan kaya ang barkada
Okay sana kung may pera
Upang ako ay nakasama

Ref:
Masakit tanggapin
Ang katotohanan
Kung wala kang pera
Wala ka ring kaibigan

Nakakasama, mga tropa
Sa inuman ako'y gitarista
Umaawit, parang ibon
Ayos narin ako'y naroroon

Balang araw konting tiyaga
Makatitikim na rin ng nilaga
Bahay at lupa, maraming pera
Barkada ko'y makakasama ko na

Ref

Nakatambay, sa may kanto
Naiinip sa pagyaman mo
Nakangiti, nakatawa
Nababaliw na sa problemah...



Karoling

A-beinte k'watro ng disyembre, alas nuebe ng gabi

Hawak-hawak ang gitara kasama buong tropa

Tatapat sa bahay-bahay, mangungulit, mag-iingay

Iipunin ang bigay para mamaya may tagay



Karoling ang saya-saya namin

Sa bawat awitin at simoy ng hangin

O karoling simbulo ng pagka-inipin

Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating



Habulan na nga sa tono, hahabulin pa ng aso

'Pag tsik ang nasa bintana harana ang sadya

Okey lang kahit patawad o inumin na lapad

Tuloy-tuloy pa rin kami para na rin makarami



Karoling ang saya-saya namin

Sa bawat awitin at simoy ng hangin

O karoling simbulo ng pagka-inipin

Na gusto mo nang hatakin ang paskong darating



Ang aming pagbati sana ay manatili

Ang kaligayahan n'yo kahit hindi pasko

Kasalukuyan

Tsismis ni kumare talo pa ang sine
Merong number 2 raw itong si kumpare
May pakpak ang balita may tenga ang dingding
Wala pang sikretong di makakarating

Puro pangako laging napapako
Wala namang nangyari ngayong nakaupo
Sa pulitika puro pambobola
Ang ating pag asa hindi tuloy makuha

CHORUS:
Hindi man maabot ng aking isipan
Nakikita ko sa kapaligiran
Wala na bang natitira pang nilalang
Na magbabago sa kasalukuyan

Ang mga buwaya nagkalat sa kalsada
Mga walang patawad basta’t tungkol sa pera
Wala ng lisensya ka pang ibibigay
Abswelto ka na basta’t may lagay

Kay raming manananggal gabi lumalabas
Sila’y naglilipa na manananggal ng lakas
Sinong susunod tayo’y mauubos
Sigaw ng mga tao ipako sa krus

Repeat Chorus

Nagising sa ingay away ng kapitbahay
Kahit matagal na hindi pa rin masanay
Maliit na bagay ay pinalalaki
Ngayo’y nagsisisi kung kelan pa huli

Ito’y kasalukuyan hindi kinabukasan
Kung di na uulitin lahat ng kamalian
Tayo ay magsama wag ng bibitiw pa
At baka maiwan kang nakatanga

Repeat Chorus

Korni

I
Parang katapusan na ng mundo pag inaaway mo ko
At madrama na ang kasunod nito
Parang telenobela ng instik may pagkaromantik
Pag naka bati ang bida’t may halik

Chorus
Korni na nga ako pagdating sayo
Korni na nga ako, totoo

Parang trangkaso o lagnat lang ba?
Pag di ka nakikita
Sa kispirin at yakapsul mo ay solve na
Parang lumang pelikula tayo saking panaginip
Na nagbalik ang tambalan ni gay at pit

(repeat chorus)
(repeat Chorus)
(repeat I)
(repeat chorus)

Korni na nga ako Bat kappa natatawa?
Korni na nga ako talaga
Dahil ba mahal kita?
 

Kung

Kung ano man ang nakikita mo
At ganon din ang natatanaw ko
Iisa lang kaya wala ng pagtatalunan
Bulag lang ang dapat nating paliwanagan


Kung ano man ang iyong narinig
At ito rin ang nasagap kong tinig
Pareho lang kaya wala ng pag uusapan
Bingi lang ang dapat nating pagsasabihan

Refrain:


Dahil ang paniniwala ko
Na tama ay binabago mo
Tanong mo ay sagot mo rin
Wag ng palalain
anong gustong palabasin
upang ako ay maliin

Chorus:

Kung may silbi na sa iba
Ang kaalaman ko
Ang karunungan mo
ang sisira sayo
Kung may laman na sa iba
Ang kababawan ko
Ang kalaliman mo ang lulunod sayo




Bigyan ng kahalagan
Pagtanggap sa katotohanan
At wag sa inaasahang
Masarap lang pakinggan
Alam mo rin namang di nangyayari
Ikaw lang ang bumubilib sayong sarili

(repeat refrain & chorus)

(repeat 1st stanza & refrain)

(repeat chorus 2x)

Coda:

Ang lulunod sayo
Ang lulunod sayo
Ang lulunod sayo

Kung Walang Ikaw


Walang biro na di natatawa
Ewan ko ba pag ikaw ang nag bida
Walang pag kain di gaganahan
Kahit ano ay pag sasaluhan


Lumampas sa langit ang saya
Nabaon sa limot ang problema

Chorus

Kung walang tulad mo ngayon na nag lalambing
Paano ko mapapansin na masarap palang gumising
Kung walang tulad mo ngayon na natatanaw
May puwang ang bawat galaw
Kung walang ikaw..

Walang awit na di nakakanta
Kung kasabay kita damang dama
Walang oras na di nasusulit
Ang haba ng gabi parang saglit

Tinangay na ng hangin ang himig
Bumalot sa ating daig dig

Repeat chorus

At pa-ano kung wala ka  pag harap ko sa umaga
Eh ikaw ang dahilan bat ito gumaganda
At pano Ãpano nga ba pag sikat ng araw
Kung walang ikaw kung walang ika haw..


Repeat bridge
Repeat chorus

Kung walang ikaw 3x .

Kwarto

1st stanza
Sinasariwa ang nakaraang nabubulok
Sa kwarto kong puno ng usok
Walang problema na kakatok
Ditto ang lungkot ay di papasok ah haha
Lungkot ay di papasok ah ha ha..

Pinag mamasdan ang mga ala alang
Nahalungkat sa kwarto kong sobrang ang kalat
Walang maingay na tatapat
Dito na papanatag ang lahat..
Napapanatag ang lahat haha ha..

Chorus
Bawal, bawal ang na kasimangot dito
sa apat na sulok ng aking kwarto 2x

Kumukulong ang katahimikang
Nalalasap sa ibang lugar ay di mahanap
Walang pag asa na magaganap
dito mas masarap mangarap ah ha 2x

Repeat Chorus
Adlib
Repeat Chorus
Repeat 1st stanza

Lagim

Dumilat ka at pagmasdan mo
Inang bayan ay nagsusumamo
Ang dating kaliwanagan
Bakit ngayon ay kadiliman?

Huwag bubunganga sa ating bayan sumasama
Sa katarantaduhan, ikaw ang may gawa
Puro patayan walang katapusan
Diba naturoan ng pagmamahalan
Sagana sa yaman ugat ng lahat
Silang matataas ang may likha ng lamat

Mga hinanakit hinde naba matatapos
Diba matitinag wala pa pagalang sa diyos

Tayo na sa paraiso at wag na nating muling babalikan
Ang mga demonyo ay nagkalat na sa ating kapaligiran
Sila na nais maghatid ng kalagiman sa ating lipunan
At kung ikaw ay mahahawa ay lalong lagim ang kahihinatnan
Lagim ang sasapitin

Kasakiman, kapangyanrihan ikaw ba'y diyos ng sanlibutan
Pera na sa atin ay bumobuhay
Dito ay maraming nagbuwis ng buhay
Sobrang taleno marami raw siyang na inbento
Ngunit lagim naman ang siyang naging apekto
Ka plastikan sa kapwa tao, ginagamit ang pangalang kristo
Kaligtasan ang usapusapan, ngunit ang isipan ay kalaswaan
Dala ay bilia kung akala mo'y santo
Sa likod ng maskara ay isa palang diablo

Tayo na sa paraiso at wag na nating muling babalikan
Ang mga demonyo ay nagkalat na sa ating kapaligiran
Sila na nais maghatid ng kalagiman sa ating lipunan
At kung ikaw ay mahahawa ay lalong lagim ang kahihinatnan
Lagim ang sasapitin



Lakas Tama (Panibagong tama)

Eto pakinggan nyo
sobrang lakas ng tama ko
Wag n’yong pigilin ‘to,
Wag n’yong awatin, baka biglang
sumabog ang aking damdamin

Bulag ang pag-ibig
kasabihan na sa atin
Ngunit para sa’yo
ang pag-ibig ko ay duling
Pagkat dalawang beses
ako sa’yo may pagtingin
Kaytindi ng ‘yong dating
sa puso’t damdamin
Sa tunay kong pagmamahal
natotorpe sa’yo
Mukhang pinasukan ng daga
ang puso kong bato
Dahil alam ko rin
Walang ibubunga ito
Natatakot akong mawala
ang isang katulad mo

Chorus:
Lakas-tama! Ako’y nawawala
Nawawala ang isip ko
pag nakikita ka sinta

Di ko alam ang gagawin, meron ako
para akong mababaliw
Sa kakaisip mula gabi
hanggang umaga
Mahal mo ba ako, tamang hinala
Tamang duda napa-praning
Wag n’yo ng hintayin ang
paningin ko magdilim
Kung hindi ka rin lang
magiging sa’kin
Mabuti pang maglaho kasabay
ng hangin

Mga kama’y ko ay
nanginginig na sa iyo
Na makayakap ka
Sa tuwing giniginaw ako
At ang iyong labi
na sa’kin ay tumutukso
Kailan mahahagkan
ng matapos na ang gulo
Sa Pagputi ba ng uwak
mo ako sasagutin?
Kung ang kulay ko nga
ay kay hirap paputiin
Ipagpatawad mo na lang
kung agad kang mahalin
Gan’to ako kung umibig
medyo napa-praning

Lakas-Tama

Bulag ang pag-ibig
Kasabihan na sa amin
Ngunit para sayo
Ang pag-ibig ko ay duleng
Pagkat dalawang beses ako
Sayo may pagtingin
Kay tindi ng 'yong dating
Sa puso't damdamin

Sa tunay kong pagmamahal
Na totorpe sayo
Mukhang pinasukan ng daga
Ang puso kong bato
Dahil alam ko rin
Walang ibubunga ito
Natatakot akong mawala
Ang isang katulad mo

Chorus:

Lakas tama
Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
Pag nakikita na kita
Lakas tama
Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
Pag nakikita na sinta

Mga kamay ko ay
Nanginginig na sa iyo
Napapayakap ka
Sa tuwing giniginaw ako
At ang iyong labi
Na sakin ay tumutukso
Kailan mahahagkan
Ng matapos na ang gulo

Sa pag puti pa ng uwak
Mo ako sasagutin
Kung kulay mo ay
Kay hirap paputiin
Ipagpatawad mo na lang
Pagkat kang mahalin
Ganto ako kung umibig
Medyo napapraning

Chorus:

Lakas tama
Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
Pag nakikita na kita
Lakas tama
Ako'y nawawala
Nawawala ang isip ko
Pag nakikita na sinta



Larawan

Verse I:

dilim ng gabi
nakabalot sa paligid
bituin sa langit
parang matang nagmamasid
kamay ng orasan
diba nahihirapan
masasayang nakaraan
makikita sa larawan

Verse II:

Mundong matahimik
nabibingi ako
hanging malamig
pumasok saking ulot
bilog na buwan
paglakbayin ang aking isip
sa aking pagtulog
may magandang panaginip

Chorus:

naririnig mo ba ako?
kasama ka sa aking awit
naririnig mo ba ako?
heto ako bat di ka lumapit...
(do the chords when the solo start)
Solo:

Malapit Na


Sa yong anyo
Nababanaag ko ang kagandahan
Sa yong isipan
Nababasa ko ang kaluwalhatian

Refrain:

Binubulong
Sa akin ng hangin
Sinisigaw
Sakin ng mga bituin
Na ikaw ay mapapasa akin


Chorus:

Malapit na
Maabot na rin kita
Pikit ko muna itong mata
At isipin ka pansamantala

Bridge:
La La La La La La La
La La La La La La La


Sa yong salita
Nadarama ako ang katotohanan
Sa yong galaw
Nakikita ko ang kaligayahan

(Repeat refrain % chorus)


(repeat refrain)

(repeat chorus 2x)

Coda:

Malapit na
Malapit na
Malapit na
Malapit na malapit na

Malaya Ba?

Oh mahal kong bayan dahil sa iyong kagandahan
Maraming nag hangad sa'yong mananakop na dayuhan
Ang katahimikan mo ay kanilang ginulo
Ngunit may nagtanggol sa'yo mga bayaning Filipino

 
Nagkaisang lumaban para sa ating kalayaan
Bayaning matatapang bayani ng ating bayan
 
Hindi malilimutan ang kani lang kadakilaan
Ang pag ibig sa bayan humantong man sa kamatayan

Chorus

Ngayong Malaya na, Malaya ba?
Malayang gumawa ng masama


Oh mahal kong bayan ito ba ang kalayaan
Kung ang sarili mong anak ay nagpapatayan
Mga asal dayuhan sa sariling bayan
Mga bagong bayani sa sariling kapakanan


Repeat Chorus



Oh mahal kong bayan na ngayo'y nahihirapan
Perlas ng silanganan bakit dinumihan
Ang ating kalayaan para sa kapayapaan
At hindi ang kalayaang gumawa ng kasamaan
 

Maligayang Pasko

Naitayo mo na ba ang christmas tree?
May pang regalo ka na ba sa inaanak mong marami?
Naisabit mo na ba ang parol?
Sa okasyong ito, di ka na ba magagahol?

At sa pagkakakataong ito kami naman ang babati
Sana'y maibigan n'yo ang mga kanta kung maaari
Magpahinga muna at sumandal lang sandali
Handa na ang aming tambol, gitara at buong barkada

Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo
Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo (oh)

Naibili ka na ba ng damit na bago?
May aginaldo ka na ba sa ninong at ninang mo?
Gawa na ba ang 'yong tambol na lata?
Sa noche buena ba ay may kasalo kang pamilya?

At sa pagkakataong ito kami naman ang aawit
Bagong matututunan n'yong mga batang paslit
Itigil muna ang laro at sa 'min ay lumapit
Handa na ang aming tambol, gitara at buong barkada

Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo
Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo (oh)

At sa pagkakataong ito magsama-sama tayo
Pagmamahal sa kapwa ilaganap sa mundo
Sabay-sabay tayong umawit sa diwa ng pasko
Handa na ang aming tambol, gitara at buong barkada

Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo
Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo (oh) [3x]

Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo



Matulog Ka Na

Nakasalumbaba
Lukot ang 'yong mukha
Ano ang may gawa
At ikaw ay tamang hinala

Ningning ng 'yong mata
Tila nag low-batt na
Kumain ka na ba?
Dis oras ng gabi'y gising ka pa

[chorus]
Matulog ka na
Mananaginip ka pa
Ipikit na ang mata
Magbilang ka ng tupa
At sa lamig ng gabi
Unan at kumot ang katabi
Kaya matulog ka na
'wag pahirapan ang iyong sarili
(mong dayain)

Naririnig mo ba?
Naghihilik na ang iba
Pero nandyan ka pa
Kahit malayo pa ang umaga

Hihintayin mo pa
Na malugmok ka
Dapat na nga tigil mo na
'di bagay sa iyo ang nagdududa

[chorus] (2x)

[repeat 1st and 2nd stanza slowly]

[coda]
Matulog ka na

May Pagbabago

Marami pa tayong daraanan
Kahit di natin tiyak ang patutunguhan
Marami pa tayong malalaman
At sa huli ating pagsisisihan

[Refrain]
Nadapa ka na ba sa maraming tao?
At tumigil na ang ikot ng yong mundo
Bumangon ka pero pikit ang mga mata
Napahiya dahil sila’y natatawa

[Chorus]
Kailangan din natin ang lumaban
Sa sarili rin nating kasalanan
Kailangan din ang unawa sa
Mga mali rin nating nagagawa

[repeat Refrain]

May pagbabago kahit pinagugulo sila lang ba ang tao?
May pagbabago di rin magtatagal sila pa ang hangal

[repeat Chorus]

[repeat Refrain]

May pagbabago kahit pinagugulo sila lang ba ang tao?
May pagbabago di rin magtatagal sila pa ang hangal

May pagbabago kahit pinagugulo sila lang ba ang tao?
May pagbabago di rin magtatagal sila pa ang hangal

Muli Bang Makikita

Lalabas ako ng bahay at ako ay sasakay
Kahit san pa mapunta, pareho rin namang wala ka
At ako'y niinip sa mga yakap mo't halik
Sa mga ngiti mo at tawa

Muli bang makikita, muli bang madarama
Muli bang makikita, muli bang madarama

Lalabas ako ng bahay kahit na nalulumbay
Di naman nila mapapansin ang bigat sa aking damdamin
Na ako'y naiinip sa muli mong pagbalik
Sa ligaya mong dala

Muli bang makikita, muli bang madarama
Muli bang makikita, muli bang madarama

Muli bang makikita, muli bang madarama
Muli bang makikita, muli bang madarama

Lalabas ako ng bahay, maghahanap ako ng away
At baka ika'y dumamay kung isa na 'kong patay
Dahil ako'y naiinip na makapiling ka sa langit
Sa mundo nating dal'wa

Muli nang makikita, muli nang madarama
Muli nang makikita, muli nang madarama
Muli nang makikita, muli nang madarama
Muli nang makikita, muli nang madarama


 

Ngayong Pasko

Unti-unting lumalamig ang hangin sa aking paligid
  Na ginagatungan ng luhang gumigilid
  Di tulad ng iba na di mailarawan ang saya
  Sa tulad ko na ang mukha ay di maipinta

Chorus:
  Pagkat ngayong pasko wala ka sa piling ko
  Pagkat dahil na rin sa'yo mas lalamig itong pasko
  (back to plucking intro)

II
  Isa-isang minamasdan ang bawat magkakasintahan
  Na nagpapaalala lang sa ating nagdaan
  Sa paglalambingan akala moy lalanggamin
  Pero nagoyong nag-iisa tiyak giginawin
  (Repeat Chorus)

Coda:
  Di sapat ang mga sulat o ang tawag mo
  Basta't ang tanging nais ko makapiling ka ngayong pasko

No Problem (Kapag Ikaw Ang Kasama)

parang tumama sa lotto
at naka jackpot sa bingo
parang kay rami kong pera
kapag ikaw ang kasama
parang wala ng polusyon
ang trapik nagka solusyon
parang presko’t maginhawa
kapag ikaw ang kasama

[chorus]
kapag ikaw ang kasama
ang paligid ko’y ibang iba
kapag ikaw ang kasama
ulyanin na sa problema ha

parang ako si super man
magtatanggol sa’yo peksman
parang hiya ko’y wala na
kapag ikaw ang kasama
parang ayaw kong matulog
palagi pa akong busog
parang ang pogi ko pala
kapag ikaw ang kasama

[repeat chorus]

parang ayaw kong magbanda
ang gusto ko’y pulitika
parang mas ok ang gera
kapag mawawala ka pa

P.I.

I
Narito ako sa isang lugar
na hindi 'ko maintindihan
Nakikipagsapalaran sa buhay
na ang hantungan ay kawalan.


De numero ang galaw ng tao,
bawat gawin ay may presyo
Oh, narito ako sa isang lugar
na hindi ko maintindihan.

II
Daing ng tao'y 'di pinapansin
nililipad ng hangin
Pagkain sa araw-araw hindi malaman
pa'no pagkakasyahin.


Lalong yumayaman kapag mayaman,
lalong naghihirap kapag mahirap
Oh, narito ako sa isang lugar
na hindi ko maintindihan.

CHORUS
Walang ginagawa
ang mga walang awa
Walang nagagawa kahit pa
ngumawa, magmakaawa,
Bumaha ng mga luha--- haaa!
Bumaha ng mga luha--- haaa!

III
Narito ako sa isang lugar
ng mga taong tumatakas
Naghahanap ng swerte sa iba
dahil dito'y wala ng bukas.


Kakarampot na sasahurin,
sa sobrang mahal ng mga bilihin
Oh, narito ako sa isang lugar
na hindi ko maintindihan.



(Repeat CHORUS)

(Repeat I)


De numero ang galaw ng tao,
bawat gawin ay may presyo
Oh narito ako, oh narito,
oh narito ako bakit ganito!
Oh narito ako sa isang lugar
na hindi ko maintindihan.
 

Pagmamahal

Kahit minsan lang tayo kung magkita Huwag mong isipin meron na akong iba Tamaan man ng kidlat ikaw sa akin ang lahat Guluhin man nila tayo walang aawat.... Kahit minsan lang ako kung tumawag Huwag mong isipin sa puso ko'y may nadagdag Walang babaguhin at walang sasayangin Walang katulad mo sa aking piling.... [chorus] Lilipas ang mga araw mag iibang mga sayaw Magbabago ang mga uso Pero hindi ang pag-ibig At pagmamahal ko say'o.... Kahit minsan lang ako sumasaya Tuwing kapilng ka langit ang nakikita Pa-no iiwan ka ako ang nag-aalala Baka ako ang iwan mo huwag naman sana.... [repeat chorus3x]

Panaginip

Ikaw ay nakilala ko sa isang konsyerto
Sa una'y nahihiyang lumapit sa'yo
Ngunit hindi ko yata mahahayaan
Na 'di malaman ang telepono mo't pangalan

Habang kausap ka, ako'y nasasabik
Kay sarap sigurong matikman ang iyong halik
At ganun na lang ang pagkagulat ko sa'yo
Sinagot mo 'ko agad ng matamis na "Oo"

Panaginip ka lang ba
O tunay ka ba na makakasama
Panaginip ka lang ba
Tulad ng iba, parang bula silang nawala

Isang gabing anong saya ang iyong pinadama
Sa isang katulad ko na nanginginig-nginig pa
Kahit may kasama tayong mga tropa
Pero ang paligid para sa 'ting dal'wa

Hanggang sa uwian, laman ka ng isipan
Ito ba'y katotohanan o pinagtripan mo lang
Kung ano ang bilis ng pagdating mo
Sana'y wag ding kadali mong iiwanan ako

Panaginip ka lang ba
O tunay ka ba na makakasama
Panaginip ka lang ba
Tulad ng iba, parang bula silang nawala
[repeat 4x]


Pantasya

Sasakay ako sa bangkang gawa sa buwan
Aking lalanguyin ang dagat na mga bituin
Magiging pasyalan naman ang kalawakan
At kung nahihimbing patatangay lang sa hangin

Natatawa ako pagkat ako ay masaya
Bagong bago kasi ang patawa sa eksena
Pakisampal naman ako sa magkabilaan
Para malaman ko na di ako nahihibang

Nais ko lang tumakas sa katotohanan
Sa mundong puno ng katanungan palaisipan
At dadalhin kita roon kahit ika’y wala
Di uso ang luha sa daigdig kong nilikha

Pwede ka bang tumulong at ako’y nawawala
Ba’t di ko na nasasakyan ang buhay sa lupa
Lahat na lang bagay nag babago ang kulay
Putol na ang tulay walang silbing paglalakbay

Anong hiwagat mo’t parang kay tagal tagal mo na
Minsan lang nakita ngunit mahal agad kita
Akalain mong pantasya ko’y magkasama tayo
Sa ayaw mo’t gusto duo’y minamahal mo ko

Nais ko lang tumakas sa katotohanan
Sa mundong puno ng katanungan palaisipan
At dadalhin kita roon kahit ikay wala
Di uso ang luha sa daigdig kong nilikha

Sa daigdig kong nilikha

Sasakay ako sa bangkang gawa sa buwan
Aking lalanguyin ang dagat na mga bituin
Magiging paslayan naman ang kalawakan
At kung nahihimbing patatangay lang sa hangin

Peksman

Kahit ano basta ikaw
Walang problema
Kahit buhay ibibigay
Ito'y pangako ko sinta
Dahil ayokong malayo sa 'yo
Magmukha man akong gago
Pagkat minamahal kita
O giliw ko.

(1st verse chords)

Kahit ano basta ikaw
Ay aking susundin
Kahit bituin susungkitin
Wag lang akong mabibitin
Siguro ay wala na akong
Dapat pang ipangamba
Sa ganitong paraan
Di mo na 'ko iiwan pa.

[Chorus]
Peksman, mamatay man
Basta't iyong kagustuhan
Hindi magdadalawang isip
Ika'y aking pagbibigyan
Buong oras ko
Iuukol lamang sa 'yo
Bulaklak para sa iyo
Piso tumpok ang bili ko
May kasama pang lobo.

(1st verse chords)

Kahit ano basta ikaw
Matutupad ang pangarap
Kahit hirap ay sasarap
Habang ako ay kayakap
Huwag ka sanang maniwala
Sa sinasabi nila
Hindi mo ba nakikita
Sa aking mga mata?

Repeat Chorus



Plastik

Verse:
Sabi mo..Sasaluin mo ako
Kapag ako'y nahulog
Sabi mo.ipaglalaban mo ko
pero nang mauntog

CHorus:

Oh.sakit ng ulo ko.
ikaw ba ang gumawa nito
Nakalimutan na kampi tau
oh..bakit nagkaganito
pinaplastik mo  ako
Ano na ang nangyari
Sa mga pangako mo..

Sabi mo tutulungan mo ako
iba ang may pinagsamahan
Sabi mo ipagtatanggol mo ko
pero nang matauhan

CHorus:

Oh.sakit ng ulo ko.
ikaw ba ang gumawa nito
Nakalimutan na kampi tau
oh..bakit nagkaanito
pinaplastik mo ako
Ano na ang nangyari
Sa mga pangako mo..




Sabi ka ng sabi
Wala ka naman silbi
sa dami ng problema
Di pa nga dumadagdag ka pa

Sabi mo sasamahanmo ako
kahti anong mangyari
sabi mo dadamayan mo ko
pero iniwan mo sa eri

Rekta

konting bilis ako'y naiinip
baka magbago

pa itong aking isip
kulang pa ba san ba nagpunta
itong gamit ko ay plantsado na

okey nato pahingi nga ng

tisyu
kahit pano makakalarga tayo
ang mundong tabi tabingi
iniwanan muna natin kahit sandali

saan

pa nga ba tayo pupunta?
kundi sa langit na maganda
walang gulo walang pangangamba
kundi sa langit na

maganda

wag malikot nasasayang ang usok
habang si wowie ay abala sa pagkakalikot
at si meniong panay

pa ang gitara
kay oyie jason at darwin na kumakanta

saan pa nga ba tayo pupunta?
kundi sa langit na

maganda
walang gulo walang pangangamba
kundi sa langit na maganda yeahhh!

ooh
saan pa nga ba tayo

pupunta?
kundi sa langit na maganda
walang gulo walang pangangamba
kundi sa langit na maganda



konting bilis ako'y naiinip
baka magbago pa itong aking isip
kulang pa ba san ba nagpunta
itong

gamit ko ay plantsado na

saan pa nga ba tayo pupunta?
kundi sa langit na maganda
walang gulo walang

pangangamba
kundi sa langit na maganda

saan pa nga ba tayo pupunta?
kundi sa langit na

maganda
walang gulo walang pangangamba
kundi sa langit na maganda

sa langit na maganda
sa langit na

maganda
sa langit na maganda
sa langit na maganda

Sa isang bote ng alak

Sa isang bote ng alak
Tayo nagsimula
Mga panahong tayo'y walang wala
Pero kahit ganon
Masaya tayo noon
Nagkakasya sa simpleng panahon
Hanggang sa lumipas na nga ang
Maraming
Taon
May kanya kanya na tayong buhay
Ngayon
Pero kahit gan'to
Nagkikita parin tayo
Sa isang bote parin nagsasalo

Nagbago man ang araw
At sa alak ay di na nauuhaw
Basta't kayo mga kaibigan
Ako'y nand'yan

Sari sari istorya
Saan pa tayo pupunta
Ibat-ibang kwento
Ng buhay nyo ng buhay ko
Nawawala naman ang iba
Buhay parin sa alaala
Tuloy parin ang tropa
Sa hirap at ginhawa
Ano bang balita
Meron bang napasama
Sana'y natupad
Pangarap natin nung bata
Pero ano pa man
Tayo'y pareho lang
Sa isang bote ng alak
Kaibigan

Wala na ngang mas gaganda pa
Sa ala alang nagdaan
Mga pinagsamahang
May konting kalokohan
Magwawakas man ang iba
At huwag naman sana
Sa isang bote tayo'y
Mag kanya - kanya

Sa Pag-ikot Ng Mundo

Iangat mo na ang telepono
At darating ako kahit na sumasakit
Itong ulo
Iangat mo na rin ang iyong mukha
Wag kang mabahala hindi ko
Tatawagan ang iyong pagkuha


Pre-chorus:

Hindi ba't sabi ko sayong pigilan mo na yan
Ang pag-iisip mo sa walang katuturan
Hindi maalis ng alak at ng pag-iyak
Bigyan mo ng daan ang bago mong tinatahak



Chorus:
Sari-saring pangyayari pa ang iyong makikita
Sari-saring bagay-bagay pa na masmahalaga
Ngayo'y sabihin mo kung hindi ka pa kuntento
Marami pang magaganap dito sa pagikot ng mundo


Adlib:g-em-c-d(2x)


Iabot mo na sa akin ang baso
At tatagayin ko kahit na sumasakit
Itong ulo
Iabot mo na rin ang gitara at tayoy
Kakanta with tito, vic, and joey para masaya


(repeat pre-chorus)


Chorus:


Sari-saring pangyayari pa ang iyong makikita
Sari-saring bagay-bagay pa na masmahalaga
Ngayo'y sabihin mo kung hindi ka pa kuntento
Marami pang magaganap dito sa pagikot ng mundo


Solo:g-em-c-d(4x)

Pre-chorus:

Hindi ba't sabi ko sayong pigilan mo na yan
Ang pag-iisip mo sa walang katuturan
Hindi maalis ng alak at ng pag-iyak
Bigyan mo ng daan ang bago mong tinatahak


Chorus:


Sari-saring pangyayari pa ang iyong makikita
Sari-saring bagay-bagay pa na masmahalaga
Ngayo'y sabihin mo kung hindi ka pa kuntento
Marami pang magaganap dito sa pagikot ng mundo
Sa pagikot ng mundo sa pagikot ng mundo

Sa Pagsapit ng Kapaskuhan


Salot

Pagkagising ko sa umaga
Balita sa dyaryo ang nakita
Wala pa ring pinag iba
Karahasan ang makikita

Anong klaseng pamumuhay
Kaguluha’y wala na bang humpay

Ako’y napadaan sa isang kanto
Marami ang nag kakagulo
Tsismis pala ang kanilang punto
Paninira sa kapwa tao

Bigyan naman natin ng pag asa
Ang mga taong nangangapa

Ang mundo ay umiikot
Wag ka sanang malikot
Baka ikaw ay mahulog
Hindi ka ba natatakot
Na ikaw ay matawag na salot

Nakita ko ang dating kaibigan
Agad niya akong nilapitan
Nagbago na ang kanyang katawan
Dahil sa bisyong di maiwasan

Bakit kay rami satin ang ganito
Sarili ay inaabuso

Sige Na, Tuloy Pa

Maraming beses na tayong nag-away
Di mo ba napupuna?
Mahal pa rin kita

Kahit lagi mo akong sinasaktan
Paglalambing lang yan
Pagkat mahal mo rin ako

Sige na (sige na), tuloy pa (tuloy pa)
Wala nang makakaawat pa
Sa pag-ibig nating dalawa
Sige na (sige na), tuloy pa (tuloy pa)
Wala nang makakaawat pa
Sa pag-ibig nating dalawa

Kahit ano pa ang 'yong ipakita
Ako ay handang umunawa
Dahil mahal pa rin kita

Alam ko yatang di mo ko mabibigo
At di ka magbabago
Pagkat mahal mo rin ako

Sige na (sige na), tuloy pa (tuloy pa)
Wala nang makakaawat pa
Sa pag-ibig nating dalawa
Sige na (sige na), tuloy pa (tuloy pa)
Wala nang makakaawat pa
Sa pag-ibig nating dalawa



Sisa

[Chorus]
Crispin, Basilio nasa’n kayo
Hinahanap na kayo ng nanay nyo
Crispin, Basilio nasa’n kayo
Hinahanap na kayo ng nanay nyo

Isipang binalutan ng puot at galit
Damdaming sinugatan ng matinding sakit
Sa bayang bakuran naghahari ang dayuhan
Sa sariling dugo nadiligan

[repeat Chorus]

Saksi sa pahirap mga mapagpanggap
Kunwari’y makabayan sagana sa sarap
Mula sa ninunong nagpatulo ng pawis
Minana ng makamundong nais

[repeat Chorus]

Mapagmahal na ina sa nawawalang anak
Luha’y pumapatak sa pangarap na nasawak
Nawalan ng pag-asa sa lagim na nakita
Umaasa pang may natitira

[repeat Chorus][Chorus]
Crispin, Basilio nasa’n kayo
Hinahanap na kayo ng nanay nyo
Crispin, Basilio nasa’n kayo
Hinahanap na kayo ng nanay nyo

Isipang binalutan ng puot at galit
Damdaming sinugatan ng matinding sakit
Sa bayang bakuran naghahari ang dayuhan
Sa sariling dugo nadiligan

[repeat Chorus]

Saksi sa pahirap mga mapagpanggap
Kunwari’y makabayan sagana sa sarap
Mula sa ninunong nagpatulo ng pawis
Minana ng makamundong nais

[repeat Chorus]

Mapagmahal na ina sa nawawalang anak
Luha’y pumapatak sa pangarap na nasawak
Nawalan ng pag-asa sa lagim na nakita
Umaasa pang may natitira

[repeat Chorus]

Sistemang Bulok

Salot sa lipunan
Kayo’y sakit ng bayan
Kaya’t ang pilipinas
Ay napagiiwanan

Wala ng ginawa
Kurakot dito, kurakot dun
Hangad naming kaunlaran
Kayo ang lalason

Sistema nyo’y baguhin na
Sistema nyo’y nakaksuka
Nilalangaw, nilalamok
Sistema nyo’y bulok

Kami ay parang robot
Inyong pinapaikot
Dahil ang nangyayari
Kayo pala ang salot

Mga karaingan
Labas pasok lang sa tainga
Bakit kapag pera na ?????
Kayo’y buyawa

Kapag may kaguluhan
Kayo ang aasahan
Kayo na inatasan
Sa aming kaligtasan

Ano ang silbi ng pagpasok
Nyo sa inyong trabaho
Kung hindi gagampanan ng tama
Ang inyong serbisyo

Sumama Ka Sa Akin

Sumama ka sa akin ikaw ay aking dadalhin
Sa magagandang tanawin na ngayon mo lang mararating
Kahit magkaiba tayo pero akong pinili mo
Kayat dapat na masanay ka dito sa aking mundo

Sumama ka sa akin tayo ay maggagala
Manonood tayo ng sine syempe ikaw ang taya
Mag swimming tayo sa ilog manguha tayo ng kuhol
Kumain tayo sa labas ng sago at saka pisbol

[Chorus]
Buo ang araw ko kasi kasama ka ha ha
Limot ang problema at laging masaya haha
Ano kaya kapag ikaw ay nawala ha ha
Mabuti pang mamatay na lang
Ang kapit bahay kong siga

Sumama ka sa akin doon manila zoo
Mag papatugtog tayo kasama ang mga tiyonggo
Check in tayo saan ito wagsasama ang isip mo
Walang ibang gagawin maglalaro lang ng bingo (sa ine)

[repeat Chorus except last line]

Ang alaga kong daga

Sumama ka sa akin tayo ay mangangarap
Wag ka lang sosobra baka tayo ay ma hold up
Ilan ang gusto mong anak para sa hinaharap
Magtiwala ka lang sa akin hinding hindi ka iiyak

[repeat Chorus except last line]

Ang kuko mo sa paa

Teka Lang

Teka lang, wag kang umalis
Kapag ikay na miss
Wala akong kausap laway ay mapapanis
Teka lang wag kang lalayo
Kapag ikaw ay nag tago
Sa kakahanap di na makakaligo

Bridge
Napapabayaan na ang sarili ko
Kaya wag ng ituloy ang binabalak mo
Alam mo naman hawak hawak mo ang aking buhay
Kung bibitawan mo ako masahol pa ako sa isang patay..

Chorus

Sige kung ayaw mong magpa awat sa lamat na lang sa lahat
Sana ikay mag ingat
Sige wala ng dapat pag usapan
Kung ayaw ay may dahilan at kung gusto ay merong paraan

Teka lang wag kang mangiwan
Kapag ikay lumisan
Titingin lang sa ulap hanggang ulo ay masiraan
Teka lang wag kang mag pasya
Kapag ikaw ay laos na
Guguho ang pangarap isa na akong taong grasa.

Repeat Bridge
Repeat chorus.
Repeat bridge
Repeat Chorus 2x

Tropa

Kwentuhan na kabulastugan
Hindi malilimutan ang asaran
Na mayroong pikunan

Lalo na rin ang unang niligawan
Unang kabiguan
At dyan nagseseryoso ang usapan
Ang pagdadamayan

Nang tunay at tapat na
Kaibigan
O mga buang
Kaibigan
Lubhang maaasahan
Ooohhh

Di na tayo pabata
Edad mo di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa

Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa...

Inuman na pangmagdamagan
Minsan inaabot pa ng ayaan
Na kung saan-saan

Na para bang walang kinabukasan
At kahahantungan
At dyan nagseseryoso ang usapan
Ang pagpapayuhan

Nang tunay at tapat na
Kaibigan
O mga baliw
Kaibigan
Namang nakakaaliw
Ooohhh

Di na tayo pabata
Edad mo di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa

Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa...

Instrumental

Di na tayo pabata
Edad mo di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa

Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa

Di na tayo pabata
Edad mo di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa

Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa...


 

Tsismis

Sa tindahan ni Aling kuwan may mga kababaihan
Dalaga may asawa man nagkakaumpukan
Simbolo ba ng pag kakaisa tulong tulong sama-sama
Oh dahilan ba ng problema ang kapitbahay mong mga tsismosa

[Refrain]
Meron na naman bang bago?
Silang hindi naman apektado
Pati buhay ng may buhay
Kanilang kinakalaykay

At pag tingin mo sas kaliwa, paninira pa rin sa kapwa
Ng mga kalalakihang makakati rin ang dila
Kahit sa tawa’y mamilipit, tuloy pa rin sa panlalait
Akala mo’y may nakamit mga tsismosong dahil sa inggit

[repeat Refrain]

[Chorus]
Ba’t bibili pa ng d’yaryo o makikinig sa radyo
Tumambay lang sa bawat kanto sari-sari pang sikreto
Buksan maige ang ‘yong tenga at ‘wag kang tatanga-tanga
Baka ang topic sa intriga ikaw pala ang bida

Itong si mister at si misis ang hari at reyna ng tsismis
Pag mulat pa lang ng mata naghahanap na ng kaparis
Mga nagtatalsikang laway sa araw-araw hanap buhay
Akala mo’y usapang tunay eh sila sila ang dating magkaaway

[repeat refrain except 2 lines]

Akala mo’y mga malilinis mga isipang madudungis

[repeat Chorus]
[repeat Refrain & Chorus]

Kaya mag ingat ka pag sila’y iyong nakita
Ngumiti kang pang-famas ng di ka ma-broadcast bukas

Umayos Ka


Walang mang iiwan sayo
dahil wala sayong sasama
At wala rin lilimot sayo
Dahil wala kang alala

Refrain:

Walang iiwan,
Walang sasama
Walang lilimot
Walang alaala

Chorus:


Umayos ka
ikaw ang nakikisama
Gawing karapat dapat
ang pinapakita
at wag ang sungay mo
Na tinatago nung una
Huwag ng hubarin ang
Ginagamit mong maskara

 Walang lumalayo sayo
Dahil ikaw lang ang lumalapit
  At walang bumibitaw sayo
Dahil ikaw lang ang kumakapit


       Walang lumalayo,
       Walang lumalapit,
       Walang bumibitaw,
       Walang kumakapit

(repeat chorus)


(Repeat Chorus 2x)

  Walang mang iiwan sayo
dahil wala sayong sasama
  At wala rin lilimot sayo
Dahil wala kang alala

Wala

Ang layo mo pero ang lapit-lapit mo

Ang labo mo pero ang linaw-linaw mo

Dito sa isip ko

Oo, sapul ako

Sagad sa'yo oh



Nababato pero biglang gumagalaw

Oh ang init pero biglang giniginaw

Kapag natatanaw, aw-aw, oh ikaw, araw-araw



Pagmasdan mo ang tulad ko

Nagsusumamo sa tulad mo

Ano ang gagawin para ka maangkin

Magbibilang ng bituin

O tatalon na sa bangin



Kailan nga ba nalapit ang lupa sa langit

Kailan kita mayayakap ng mahigpit

Kahit na saglit, oh ang pait

Napakasakit ang umibig oh



Pagmasdan mo ang tulad ko

Nagsusumamo sa tulad mo

Ano ang gagawin para ka maangkin

Magbibilang ng bituin

O tatalon na sa bangin



Anong makakamit nitong aking awit

Anong mapapala nitong munting tula

Anong makakamit nitong aking awit

Anong mapapala nitong munting tula

Eh 'di wala!

Walang Hanggan, Katapusan, Dulo

Maraming katanungan na walang kasagutan
O hindi lang maarok ng inosenteng isipan
Ang iba'y may hakahaka May naglalalim-laliman
Kung akong tatanungin Baka mo lamang pintasan

Refrain:
Paano ba nagsimula ito? Walang hanggan katapusan dulo

Maraming usap-usapan Na walang katuturan
O wala ka lang paki Iba ang yong kagustuhan
Ang ibay nagsisigawan Habang may nagbubulungan
Kung ako'ng kakausapin Baka mo lamang tawanan

Repeat refrain:

Chorus:
Na na na na Na na na na
Na na na na Na na na na (2x)



Maraming nagsasama na walang patutunguhan
o wala ka lang pag ibig at sa iyo ay libog lang
Ang ibay nagmamahalan kung may naglalaro lamang
Kung ako ang sasamahan baka mo lamang iwanan

(repeat refrain)


(repeat refrain and chorus 3x 'til fade)

 

Yakap

Intro

Buong araw lulubog lilitaw
Tanda ko pa 'nung huli kang matanaw
Hanggang maglaho ka sa 'king paningin
Mula noon paligid ko'y nagdilim

Gusto ko nang hilahin ang panahon
Nakakasawa na kasi ang kahapon
Kaya ayoko nang maulit ito
Sana ngayon na ang pagbabalik mo

tulay:
Nilalanggam na ang tsokolate
Kupas na ang lonta kong nabili
May sapot na ang aking kukote
Sabay ng gigil ko sa 'yo

Koro:
Dahil lagi kang naglalaro sa utak ko
Dahil lagi kong nalalanghap ang 'yong bango
Lalo't mag-isa, umuulan at malamig ang hangin
Dahil lagi kong hinahanap-hanap ang init ng iyong yakap

Ilang gabi na 'kong ginaw na ginaw
Walang silbi ang mainit na sabaw
Kailangan ko ay ang mga yakap mo
Ikaw ang kulang sa 'king paraiso

Bakit kay bagal-bagal ng orasan
Paghihintay ay di ko na makayanan
Nasasabik na sa iyong pagbalik
At sa mga yakap mong nakakaadik

Ang init ng iyong yakap.......3x
 

Band Videos

Tropa Kabilang Mundo Hiwaga Karoling Sa Pag-Ikot ng Mundo Pantasya Rekta Tayo na sa Paraiso VIEW ALL MUSIC VIDEOS 'Wag Mong Isipin Aanhin Alaws Arep Anak ng Puta Asahan Mo Aso Ayoko Na Sa 'Yo Ayos Lang Bakit Ba? Balang Araw Balewala Basted Bato-Bato sa Langit Bidyoke Biyaheng Impiyerno D'yan Sa Buhay Mo Don Juan Gabay Gagawin Ko Lang Baclaran Galit Gawing Langit Ang Mundo Gobyerno Habang Ang Lahat Halika Na Hardin Hiling Hindi Mo Ba Alam? Hiwaga Huling Halakhak Ikaw Ba Yan Ikaw lamang Inday Inihaw Iniwan Mo Akong Nag-iisa Isla Puting Bato Itigil Na Natin Ituloy Mo Lang Kabilang Mundo Kanto Karoling Kasalukuyan Kasama Konti Na Lang Korni Kung Kung Walang Ikaw Kwarto Lagim Lakas Tama (Panibagong tama) Lakas-Tama Larawan Makabagong Panahon Malapit Na Malaya Ba? Maligayang Pasko Matulog Ka Na Mauna Na Sila May Pagbabago Muli Bang Makikita Ngayong Pasko Nilalang No Problem (Kapag Ikaw Ang Kasama) P.I. Pagmamahal Panaginip Pantasya Peksman Piso Mula Sa Puso Plastik Rakenrol! Rekta Sa isang bote ng alak Sa Pag-ikot Ng Mundo Sa Pagsapit ng Kapaskuhan Salot Sandale Sasagipin Kita Sige Na, Tuloy Pa Sisa Sistemang Bulok Sumama Ka Sa Akin Teka Lang Tropa Tsismis Umayos Ka Wala Walang Hanggan, Katapusan, Dulo Yakap